Romansa Nina PNoy At Grace Lee, Headline Sa Korea!
May risk na kapalit ang pagpapainterbyu ni Grace Lee tungkol sa budding romance nila ni President Noynoy Aquino.
Isang araw pagkatapos kumpirmahin ni PNoy na lumalabas at nakikipagkita siya sa Korean TV host, si Grace naman ang nagpainterbyu sa media tungkol sa kaugnayan niya sa Pangulo ng Pilipinas.
Pinagbigyan ni Grace ang mga “ambush interview” sa kanya ng mga news program, pero marami ang nagtaas ng kilay dahil sa lahat ng biktima ng ambush interview, siya ang ganadung-ganado sa pagkukuwento ng mga detalye tungkol sa special friendship nila ni PNoy.
“Ambisyosa” at publicity hungry ang ilan sa mga batikos kay Grace dahil sa kanyang kaliwa’t kanan na pagpapainterbyu sa mga news program at showbiz oriented talk show.
Source: http://abante.com.ph/issue/feb0412/ent_jg.htm
