Kim Hindi Nararamdaman Ang Totoong Panliligaw Ni Xian

  • February 5, 2012, 2:39 am
  • 734 views.
Kim Hindi Nararamdaman Ang Totoong Panliligaw Ni Xian.html

“Hindi naman kasi ako sigurado kung nililigawan niya ako. Mabait siya sa akin sa set, very thoughtful, mahilig magbigay ng regalo pero hindi ko alam kung alin dun ang ginagawa niya dahil gusto niya ako o dahil magkapareha kami. Kung nanliligaw siya, hindi ko nalaman dahil never siyang nagsabi ng ‘I love you,’” katuwiran ng maganda at magaling ng aktres na abala ngayon sa kanyang bagong pelikula kasama si Gov. Vilma Santos.

Intimidated si Kim sa beteranang aktres kahit ginagawa na nito ang lahat para mapalagay siya’t ’di mailang pero siyempre ang status nito ay sapat na para siya kabahan. Dagdagan mo pa ang pangyayaring si Chito Roño ang direktor ng pelikula nila at lalong kumakabog ang dibdb niya.

Sinabi ni Kim na walang paraan para magkita sila ni Xian. Kung siya ay abala sa The Healing, katatapos lang ng young actor ng My Cactus Heart kaya kuntento na sila na pa-text-text lamang. Maski na ang text nila ay maiikli lang, kamustahan, pero salat sa pagpapadama ng pag-ibig o kahit pagmamahal man lang ng lagpas sa kaibigan.

<--- Share This Page To Your Facebook Friends!

View Full Story Here!


Source: http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=774506&publicationSubCategoryId=96


Like this? Share it.

Related